Unang una po sa lahat nagpapasalamat kami sa ating Dakilang Ama through His Appointed Son, Pastor Apollo C. Quiboloy na kami ay nakauwi ng maayos dito sa Manila at ang mga kapatiran natin na nasa Tacloban City ay ligtas. Kami po ay isa sa mga naka-experience ng super typhoon Yolanda na nanalanta sa Tacloban City. Kami nga po pala sina Bryan Joseph T. Necesito at Alodia Anne Racquel M. Terrobias. Ito po yung mga kuwentong katagumpayan at mga pangyayari na nangyari sa apat na araw naming pag-stay sa Tacloban City.
November 8, 2013 - Naranasan namin ang super typhoon pagkatapos namin mag Devotional Prayer at biglang namatay ang kuryente sa workers house sa Marasbaras, Tacloban City. Nung una akala namin ay ordinaryong bagyo lamang ang aming mararanasan pero nagulat kami nung makita naming sobrang malala na ang nangyayari sa labas dahil nagkakandahulog na ang mga sanga ng puno at sobrang lakas na ng hangin kaya lahat kami ay nagsipasukan na sa workers house. Pagkalipas lang ng ilang minuto unti unting tumataas ang tubig sa labas ng workers house at pumasok na din sa loob. Pagsilip namin sa labas, nakita namin na unti unti nang natatanggal yung mga bubong sa bakery at may kusina. Hindi rin nagtagal nakita na namin na bumagsak na ang bubong ng bakery at pati yung kuwarto ng mga lalaki bumagsak na dahil sa lakas ng hangin.
Pagkamaya maya nasira ang pintuan sa tapat ng bahay dahil sa lakas ng agos ng tubig galing sa dagat, kaya nagdali dali kaming umakyat sa pangalawang palapag ng bahay. Ang mga lalaki ay bumalik sa baba para isalba ang mga gamit at mga tinapay na ginawa na mga nakalagay sa mga lalagyan na naiwan sa baba. Medyo natakot at nataranta nung matanggal na ang ilang mga yero sa bubong at may tumusok pa na kahoy. Kaya lahat kami ay nagsabay sabay nagpray at hindi rin nagtagal may mga tao kaming nakita na humihingi ng tulong mula sa mga kapitbahay na malapit sa workers house. Kaya yung mga lalaki ay lumusob sa baha kahit sobrang lakas ng hangin at ulan.
Maraming pamilya ang aming natulungan at napatuloy sa workers house kahit ang space sa taas ay maliit. Ang mga ginawa naming tinapay ang siyang ibinigay sa mga taong tinulungan namin. Habang bumabagyo, kaming mga young people na nandoon ay imbis na maging malungkot at mawalan ng pag-asa ay kumanta na lamang kami ng mga Kingdom songs at habang bumabagyo din ay sabay sabay kaming nagdadasal. Nagtataka na lamang yung mga kasama naming mga kapitbahay kung bakit kahit na bumabagyo ay masaya pa rin kaming mga Kingdom members at nagkakantahan pa.
Pagdating ng tanghali kami ay nagkaroon ng prayers. Pagkatapos na pagkatapos ng prayer ay humina na unti unti ang bagyo praise the Almighty Father. Nung hapon pagkatapos lang nung ulan nakita namin ang mga tao na may mga dala dalang mga gamit at pagkain galing sa isang bodega kaya ang mga lalaki ay pumunta na din doon para magbakasakali na makakuha ng mga pagkain at di nagtagal ay bumalik sila na may dala dalang mga junkfoods at biscuits. Ang ibang mga lalaki naman ay pumunta sa pabrika ng coca-cola dahil may mga ipinamimigay na mga inumin. Pagkatapos nilang makakuha ng mga makakain ay nag ayos at naghanap na sila ng mga gamit nila na pwede pa nilang magamit. Nakita namin maraming bahay at establishments ang nasira at gayundin ang mga sasakyan, poste, puno at mga satellites. Ang iba naman ay kumuha na din ng tubig galing sa nawasa kahit na may konting amoy para lang may magamit na tubig. Nung gabi ay nagkaroon ulit kami ng devotional prayer. Karamihan sa amin ay natulog ng nakaupo, ang mga bata ay nakahiga sa sahig at ang iang lalaki naman ay nakaupong natulog sa jeep.
November 9, 2013 – Pagkagising namin nagkaroon kami ng Devotional Prayer. nakita ulit namin ang mga tao ay nagsisilakad papunta sa downtown, kaya ang iba sa amin na mga babae at ibang mga lalaki ay nagsilakad din para maghahap ng mga pagkain at inumin sa downtown. Naglakad kami ng mahigit isang oras, at habang naglalakad kami nkita namin ang mga gusali, bahay, tindahan, sasakyan, puno at poste lahat nasira, at nakita namin ang mga tao sa kalsada na may mga sugat at may mga patay na tao at hayop sa gitna ng kalsada. Nakita din namin ang mga bahay, tindahan at sasakyan na mga nasira, puno at poste na mga naputol dahil sa lakas ng hangin, ulan at storm surge na dala ng bagyong Yolanda. Tapos bumalik kami sa workers house dahil hindi namin makaya yung amoy galing sa mga tao at hayop na patay na nasa gitna ng kalsada.
Pagdating ng tanghali pagkatapos kumain, naglakad ulit ang mga lalaki at ibang babae papunta sa City proper para maghanap pa rin ng mga pagkain at inumin. Sa paglalakad namin ng mahigit apat na oras sa kalsada, narating din namin ang mismong proper ng Tacloban, marami kaming nakita na mga sasakyan na nakabaliktad, nawasak at napisa, mga bahay na nawalan ng bubong, nawasak na bahay at establishment at mga poste na nasa gitna ng kalsada dahil naputol. Nabalitaan namin dun na ang tubig dagat daw o storm surge ay umakyat ng hanggang sa pangalawang palapag kaya daw maraming bahay ang nadala at nasira. May mga nakita kaming mga sasakyan na nasa ibabaw ng mga bahay at puno. May mga sasakyan din na nasa tabing dagat dahil nadala ang mga ito sa lakas ng agos ng tubig.
Samantala nakita naming may mga tao na winasak ang mga store gaya ng mga cellphones, jewelries, gadgets at accessories, pati mga grocery stores.
Hanggang sa inabutan na kami ng gabi sa kalsada. May mga time na may maririnig kami na putok ng baril sa loob ng robinson, kaya nagtatakbuhan kami. Ang ilan samin ay nasugatan dahil sa mga nakakalat na mga basag na salamin at bote, may mga yero na nakakalat din, hindi kasi naming makita dahil sa dilim ng dinadaanan namin.
Pagdating namin sa bahay, yung mga pamilya na natulungan ay bumalik na sa kani-kanilang bahay, yung iba naman na wala ng bahay, nakitira sa mga kaanak. Nagmistulang ghost town ang Tacloban City basta pagdating ng gabi. Bago matulog nagkaroon kami ng Devotional Prayer. Karamihan sa amin ay doon natulog sa terrace ng bahay, yung mga bata dun din natulog, yung iba natutulog pa rin ng nakaupo at ang mga lalaki naman ay doon parin sa jeep.
November 10, 2013 nagkaroon kami ng Devotional Prayer at after nun nagumpisa na kami maglinis sa paligid at sa loob ng workers house. Ang iba sa amin ay naglakad ulit para maghanap ulit ng mga pagkain sa mga tindahan o kahit sa mga establishment na magbubukas.
Pagbalik namin sa bahay, yung ibang lalaki at babae ay naglaba para may masuot dahil mga basa lahat. May mga tao parin kaming nakikita na mga naglalakad galing sa malalayong lugar papunta sa city proper para magbakasakali na makahanap ng mga relief foods at mga gamit. Yung iba naman ay naghahanap ng mga tubig, yung iba naman naghahanap ng signal ng cellphone para makontak ang iba nilang kaanak sa ibang lugar. Ang mga tao ay parang mga zombies, hindi nila alam kung saan sila pupunta at hihingi ng mga tulong. Ang mga tao ay nagaakyatan sa mga bubong o kaya nasa kalsada lang at naghihintay sa mga tulong galing sa ibang lugar. Sa tuwing may mga dadaan na chopper o kaya private plane ay kinakawayan at humihingi ng tulong, yung iba gumawa sa kalsada at lupa ng malaking salitang “HELP” para mapansin sila ng mga nakasakay sa chopper.
Pagdating ng hapon nagaayos na kami ng mga ibang gamit namin sa loob ng bahay, yung iba hindi pa namin matanggal dahil sa tubig na na-stock sa loob. Pagdating ng gabi bago matulog nagkaroon kami ng Devotional Prayer. After nun kanya kanyang diskarte kung saan matutulog, ang ibang lalaki sa jeep at ang iba sa bubong ng bahay. ang mga babae at mga bata sa terrace at kwarto. At nung gabi din na yun ay may dumating sa workers house na galing pang Butuan. Pinadala daw sila ng ating mahal na Pastor Apollo C. Quiboloy. Nag-arkila sila ng habal-habal o single na motorsiklo sa bay-bay leyte para makapunta sa Tacloban City dahil walang ibang masakyan papunta dun kundi ang habal habal lang.
November 11, 2013 nagkaroon kami ng Devotional Prayer. Nag-almusal kami at ang iba nag-umpisa na maglinis ng bahay dahil humupa na ang tubig. Isa isa na din naming nailabas ang mga gamit gaya nung sofa at mga aparador. Yung mga babae naman ay nagtatanggal ng mga putik na naiwan sa loob ng bahay. habang naglilinis kami, naisip namin na pumunta sa Airport habang nasa bahay pa yung habal habal na inarkila, kaya nagpaalam kami sa coordinator namin at sa kasama namin na kung pwede sumilip muna kami sa Airport dahil baka may tao na doon o kaya baka may eroplano nang nagbibiyahe. Mabuti nalang at pinayagan kami at napakiusapan ko yung driver ng motorsiklo, kaya agad kami nagbihis, mabuti nalang naisip ko dalhin yung ticket naming, at agad kami nagpunta dun sa airport, Praise the Father, nakita namin may eroplano ng Philippine Airlines at C130, tapos mga tao na nakapila sa pagsakay. Kaya nagmadali kami na lumapit sa mga crew at officer ng Philippine Airlines, tapos nagtanung kami kung may flight sila, tapos nung sinabi nila na meron at emergency flight lang daw yun, at yung may mga previous ticket lang daw ang makakasakay pero pwede din daw makabili para makasakay. Agad naman namin nakuha yung ticket dahil kami palang yung tao na may ticket, yung iba bumibili palang kaya laking pasasalamat ko sa Ama dahil ang Ama ang gumawa ng way para makabalik kami ng Manila agad.
Sa sobrang saya namin agad kami bumalik sa workers house ng masaya at agad kami nagbihis at binitbit namin yung mga gamit namin para makasakay kami kagad sa unang flight ng Philippine Airlines. Nagpasalamat din kami sa coordinator namin at nagpaalam kami sa mga kasama namin sa workers house. Pagdating namin sa Tacloban Airport marami ng tao mabuti nalang nakakuha na kami ng ticket kaya diretso pasok nalang kami sa boarding area. Isang oras lang hinintay namin at nakasakay kami sa eroplano ng Philippine Airlines na maliit na papuntang Cebu. Pagkalipas ng ilang minuto, dumating naman si Pres. Benigno Aquino III sa Tacloban. Paglipad ng eroplano, galing sa taas nakita namin ang laki ng pinsala ng bagyong Yolanda sa Tacloban. 40 minutes at nasa Tacloban na kami. At lumipat kami sa eroplano ng Philippine Airlines na papunta naman sa Manila. Isang oras lang at nasa Manila na kami.
Habang lumalapag ang eroplano natatawa na may halong lungkot ang nararamdaman naming dalawa sa tuwing iniisip naming ang mga naging karanasan namin nung nasa Tacloban kami, at iniisip namin kung anu na kaya ginawa namin kung hindi kami binigyan ng Ama ng wisdom at protection. Pagdating namin dito sa bahay lahat sila nagulat dahil akala daw nila kung anu na daw nangyari samin dahil sa mga napapanuod nila sa mga news tapos wala pa daw sila komunikasyon samin dahil walang signal ng cellphone sa Samar at Leyte kaya nagalala sila ng sobra.
Pero kahit ganun inaalala din namin yung iba pang tao na nandun sa Tacloban, Guiuan, Salcedo, Mercedes, MacArthur, Hernani, Llorente, Balangkayan, Maydolong, Borongan, San Julian, San Juan, at Sulat. Ganun din sa iba pang lugar na nasalanta ng bagyong Yolanda. Lalong lalo na sa Pamilya ko sa Sulat at Llorente, lalo na talaga sa Llorente dahil nandun yung iba pang Kingdom Members at nandun din yung kapatid at pinsan naming, sina Jonalyn N. Delos Santos, Almar Delos Santos at Baby Aja na 4 months palang. Sana madalhan sila doon ng relief goods at mga gatas dahil wala na daw gatas si Baby Aja. Sana magkaisa tayo na magdasal para mga tao na naapektuhan ng bagyong Yolanda lalo na sa mga kasamahan natin na nasa Samar at Leyte.
We give back all the Glory, Honor, Praise and Thanks Giving to the Almighty Father in heaven our Lord Jesus Christ through his Appointed Son Pastor Apollo C. Quiboloy.